|
AWIT NG MAMAYANG SAN JOSEŇO (Music & Lyrics by Delia Silorio Ruizol) Kinalinga ka ng bayang sinilangan Pinatibay para sa hinaharap Sa patuloy na pagpupunyagi Kaagapay ka namin sa bawat sandali San Jose del Monte, mahal kong Bayan Di kailanman kita malilimutan Ikaw ang sandigan sa kinabukasan Mga aral mo’y di namin tatalikdan Hinubog mo kami sa tamang landas Adhikain mo’y gabay sa aming bukas Pinag-iisa mo ang puso’t isipan Sa pagkakaisa’t pagtutulungan San Jose del Monte, mahal kong Bayan Iaangat ka namin pag-iingatan San Jose del Monte, mahal kong Bayan Inaning tagumpay, ika’y pag-aaalayan Anumang pagsubok, sa ami’y darating Kami’y matibay kung ika’y kapiling May kalutasan ang bawat suliranin Pagka’t nand’yan, aral mo ay susundin San Jose del Monte, mahal kong Bayan Di kailanman kita malilimutan Ikaw ang sandigan sa kinabukasan Mga aral mo’y di namin tatalikdan San Jose del Monte, mahal kong Bayan Iaangat ka namin pag-iingatan San Jose del Monte, mahal kong Bayan Inaning tagumpay pag-aalayan ka SAN JOSE DEL MONTE |